Connect with us

Showbiz

Zsa Zsa Padilla, ibinahagi ang simpleng pamumuhay sa probinsya

Published

on

Ang Pilipinas ay tinuturing na “agricultural nation”. Dahil na din nga sa dami ng matatabang lupa sa bansa, madali itong taniman ng iba’t ibang uri ng mga pananim kagaya ng mga gulay.

Mahalaga din na malaman ng mga tao, lalo na ang mga bagong henerason, kung gaano kahalaga ang pagtatanim sa buhay ng isang tao. Kaya naman din tinatawag na makabagong bayani ang ating mga magsasaka dahil kung wala sila at ang agrikultura ay wala ng maihahain sa hapag ang bawat pamilya at hindi din makakakain ang isang tao.




Sa kasalukuyan, parami na din ng parami ang mga personalidad ang nagbibigay ng halaga sa agrikultura. Bukod kasi sa nagiging libangan na nila ito, nararanasan din nila ang simpleng pamumuhay sa bukirin. Nakakakita pa sila ng maganda at paligid na kapaligiran at nakakalanghap ng preskong hangin na malayong malayo na lungsod na kanilang nakagisnan kung saan sila madalas nagtatrabaho.

Kagaya na lamang ng beteranong singer na si Zsa Zsa Padilla. Sa ngayon ay abala ang singer sa kaniyang malawak na lupain na tinawag niya na “Casa Esperanza” na matatagpuan sa Lucban, Quezon.

Sa kaniyang mga social media accounts, ipinakita ni Zsa Zsa ang mga larawan at videos ng kaniyang “fresh harvest” na bunga ng kaniyang mga pananim. Makikita din sa mga post na kaniyang ibinibahagi ang kanilang “very pleasant and delightful backyard.” Ayon sa singer, sa ngayon ay pinaplano na daw nila na magtanim na din ng palay sa kanilang nasabing bukirin.




Pagbabahagi pa ni Zsa Zsa, nais din daw niyang palawakin pa ang kaniyang farm. Mas lalo din daw niya itong aalagaan at pagtutuonan pa ng pansin para na din mapanatili ang ganda ng lugar.

Ang naturang farm ni Zsa Zsa ay talaga nga namang mukhang malamig at may sariwang hangin dahil na din ito ay punong puno ng iba’t ibang mga halaman na indigenous na kung maituturing. Maging ang mga halaman at kahoy at makukulay at malulusog na nakadagdag sa ganda ng farm.




Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *