Connect with us

Showbiz

Zaijan “Santino” Jaranilla, proud na ipinakilala sa publiko ang kaniyang napakagandang non-showbiz Girlfriend

Published

on

Naaalala niyo pa ba si Zaijan Jaranilla? Ang child star na gumanap sa sikat na religious-themed television series na “May Bukas Pa?” bilang si Santino? Tinuturing na ang biggest break ni Zaijan sa showbiz industry ay ang nasabing teleserye dahil doon ay talaga namang sumikat at napansin siya ng mga tao dahil na din sa kaniyang galing sa pag-arte at ang kaniyang angelic face.

Dahil sa kaniyang pagganap sa nasabing serye, marami namang oportunidad ang nagbukas sa kaniya.




Hindi lamang mga pelikula kung hindi ibang programa din sa telebisyon katulad ng kiddie gag show na “Goin’ Bulilit”.

Ngunit, ang dating cute na cute na si Zaijan ay isa na ngayong binata. Sa katunayan nga nyan, ipinagdiwang na niya ang kaniyang ika-19 birthday noong Agosto 23.

Tunay nga na sobrang bilis ng panahon dahil ang batang Zaijan na hinangaan at minahal ng marami ay isa na ngayong ganap na binata.




Sa kaniyang mga social media posts naman, marami sa ating mga netizens ang nakakakita ng kaniyang larawan kasama ang kaniyang napakagandang non-showbiz girlfriend.

Sa isang panayam sa “Tonight With Boy Abunda”, sinabi ni Zaijan na siya ay masaya sa kaniyang relasyon ngayon.




Kamakailan lamang nga ay ipinagdiwang ng magkasintahan ang kanilang anniversary. Sa isang social media post, nagbigay ng simple ngunit sweet na mensahe si Zaijan sa kaniyang girlfriend kasama na dito ang ilang larawan na sila ay magkasama. Marami din sa mga netizens ang nakapansin sa kaniyang viral na larawan kung saan ipinakita niya ang kaniyang magandang katawan.

Maraming mga sikat at talentadong batang artista noon na ngayon ay mga ganap ng dalaga at binata. Marami din sa kanila ang talaga nga namang may potensyal, lalo na pagdating sa pag-arte kaya naman marami sa kanilang mga taga-suporta at mga fans ang umaasa na magkaroon pa sila muli ng proyekto at pelikula.




Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *