Connect with us

Showbiz

Vilma Santos, may pahayag tungkol sa hiwalayang Jessy Mendiola at Luis Manzano

Published

on

Matapos kumalat at maging usap-usapan sa social media ang hiwalayan umano ng longtime celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola, kasunod naman nito ang balita na [email protected] si Luis at walang paninindigan sa kaniyang mga nagiging kasintahan.




Samantala, nagbigay naman ng pahayag ang ina ni Luis na si Vilma Santos tungkol sa naturang isyu. Ayon sa kaniya, maging siya ay nalulungkot sa nangyaring hiwalayan nina Luis at Jessy.

Tanging mensahe lamang din ng beteranang actress kay Jessy ay sana ay huwag na itong gumawa ng isyu tungkol sa kaniyang anak na si Luis na ito ay [email protected] at walang sariling paninindigan.

Sinabi din ni Vilma kay Jessy na sana ay tanggapin na lamang ang hiwalayang nangyari sa pagitan nilang dalawa at magmove-on na lamang. Hiling din niya na sana ay huwag ng kung ano-ano pang masasama ang sinasabi ni Jessy laban sa kaniyang anak.




Hiling pa ni Vilma na sana ay bumalik na lamang si Jessy sa sarili niyang bahay para na din sa katahimikan nilang dalawa.

Saad ni Vilma, sana ay mahanap na talaga ni Jessy ang tunay niyang kaligayahan at tigilan na ang paninira sa kaniyang anak na naging tapat at mapagmahal sa kaniya.

Samantala, umaasa naman si Jessy Mendiola na sana ay magkaayos pa silang muli ni Luis Manzano at maibalik muli kung ano man ang mayroon sa kanila noon.

Saad pa ng actress, nahihirapan siyang kalimutan na lamang si Luis at mag move on sa actor at TV host dahil minahal niya talaga ito ng lubusan.

Samantala, ilan naman sa mga netizens ang humihiling din na magkabalikan na ang dalawa habang ang marami naman ay hindi naniniwala na naghiwalay talaga ang dalawa dahil makikita lamang sa kanilang mga larawan na talagang mahal na mahal nila ang isa’t isa kaya naman nakakapagtaka ang balitang naghiwalay na umano ang dalawa.




Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *