Connect with us

Viral

PWD na sinuntok at tinadyakan, viral ngayon sa social media

Published

on

Ang mga persons with disability (PWDs) ay isa sa mga tinuturing na pinakamahinang tao sa ating lipunan. Madalas ay umaasa lamang sila sa suporta at alaga ng kanilang pamilya o ng ibang tao dahil na din nga sa kanilang kundisyon. Kaya naman, dapat lang na alagaan at intindihin natin ang sitwasyon ng mga PWDs dahil hindi din biro ang kanilang kalagayan. Imbis na sila ay saktan dapat ay mas intindihin na lamang natin sila.

Katulad na lamang ng video na ito sa Facebook na kaagad naging viral sa social media matapos itampok nito ang lalaki na mayroong disability na sinasaktan ng isang lalaki.




Sa video na ibinahagi ng netizen na si Mary Jane Dela Cruz-Rubio sa kaniyang Facebook account, sinabi niya na ang pinsan niyang PWD na nakilala bilang si Philip Vallega ay bigla na lamang daw sinuntok at tinadyakan ng lalaki na nakilala naman bilang si Jerry Leal. Ito ay dahil nagalit daw si Jerry dahil kulang ang sukli na ibinigay sa kaniya ng biktima na hindi marunong magbasa at magsulat.

Ayon kay Mary Jane, matapos daw magkaharap ang dalawang panig sa Barangay, sinabi daw ni Jerry na mag-aabot na lamang siya ng P7,000 sa suspek para sa pagpapagamot nito at para na din iurong ang kaso laban sa kanya. Sinabi pa daw ni Jerry na kung hindi tatanggapin ang alok niya ay maaaring gumastos pa daw ang mga ito ng malaki sa pagsampa ng kaso laban sa kaniya dahil kailangan pa nila ng abogado.

Dahil dito, nanawagan naman si Mary Jane sa mga netizens at maging kay Raffy Tulfo nang sa gayon ay mabigyan ng sapat na kaparusahan si Jerry sa ginawa niyang pagsuntok at pagtadyak kay Philip.

Samantala, sa update naman ng post ni Mary Jane, sinabi niya na nag-chat na sa kanila ang programa ni Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action.




Basahin sa ibaba ang kabuuang post:

“na sukli sa knya ng pinsan ko at walang ano ano ay bigla nlang nyang sinuntok at tinadyakan hanggang sa mawalan ng malay..

“Nagharap sila sa brgy knina ngunit magbibigay nlng daw ng 7k ung suspect para pampagamot ng pinsan ko at para iurong na rin ung kaso..

“kung di daw tatanggapin ang pera at itutuloy ang kaso mahihirapan silang magsampa dahil mahaba daw proseso at matinding abala at gastos dahil kailangan pa daw ng abogado ….

“Tulungan nyo po akong mabigyan ng sapat na kparusahan ang gumawa nyan sa aking pinsan.. Tulungan nyo po akong mkarating kay tulfo..

“Update:: nagchat na po si @raffytulfoinaction..”




Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *