Connect with us

Showbiz

Pauleen Luna, balak nang kasuhan ang netizen na namahiya kay baby Tali sa social media

Published

on

Kapuso star na si Pauleen Luna plano ng magsampa ng kaso sa isang netizen na nanlait sa anak nila ni Bossing Vic Sotto na si Baby Talitha Maria.

Simula nang ipanganak si Baby Talitha noong Nobyembre 2017, siya na ang naging apple of the eyes ng kaniyang celebrity parents na sina Pauleen Luna at Vic Sotto.

Siya ay madalas na tinatawag na Tali ng kaniyang pamilya at ilang mga personalidad na kaniyang nakilala. Sa taglay na cuteness ni Tali mula sa kaniyang malalambot na pisngi at mga baby fats, maging ang mga personalidad sa industriya ng showbiz ay hindi din mapigilan ang pagkaaliw nila dito.

Ang proud mom na si Pauleen ay madalas ibinabahgi ang kaniyang kasiyahan bilang isang magulang ni Baby Tali sa kaniyang social media accounts.

At kamakailan lamang nga, sa selebrasyon ng father’s day, nag-post si Pauleen ng larawan ng asawang si Vic Sotto kasama ang kaniyang anak sa social media.

Ani Pauleen,

“Obviously, you are Tali’s favorite human being and i will not even compete with that. Seeing you bond with your daughter is one of God’s best gifts to me. My heart flutters every time I see how much you love Talitha, how much you love all your children for that matter! I know you are a man of a few words and you may not say it often but your children are your world. Thank you for being the best! Happy Father’s Day, @mzet280! I love you!”

Ngunit alam naman natin na hindi lahat ng netizens ay magiging maganda ang komento sa bawat post.

Katulad na lamang ng netizen na si Patrich Walter L. Harris. Ibinahagi niya ang post ni Pauleen at nilait ang istura ni Baby Tali sa pamamagitan ng kaniyang caption na: “Pangit na bata”.

Ang kaniyang post ay kaagad nag-viral sa social media at nakarating kay Pauleen. Kaagad naman siyang pinadalhan ng private message ng actress.

Sinabi ni Pauleen na maaari niyang kasuhan si Haris sa pamamahiya nito sa kaniyang anak sa publiko. Ngunit tila hindi natatakot si Harris sa banta ni Pauleen, sa halip ay pinost pa niya ang sinabi ni Pauleen sa kaniyang social media account.

Ani pa ni Harris na mas gugustuhin na lamang niyang makulong kaysa magbigay ng public apology.

Ngunit, isang araw makalipas ang mensahe sa kaniya ni Pauleen, nagbigay naman ng public apology si Harry sa pamilyang Sotto para sa mga hindi magagandang bagay na nasabi niya kay baby Tali.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *