Connect with us

Viral

Larawan ng isang ama na matiyagang binibilang ang mga naipong barya para sa operasyon ng kaniyang anak, viral ngayon!

Published

on

Ang pagmamahal ng isang ama para sa kaniyang anak ay kailanman walang makakapantay at hindi mapapalitan ng kahit ano. Ginagawa lahat ng ama ang kanilang makakaya at sinasakripisyo ang lahat sa kanila mabigay lamang ang pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay, lalo na ang kanilang mga anak.

Naging viral sa social media kamakailan lamang ang larawan na ibinahagi ng netizen na si Jenny Sumalpong kung saan makikita ang isang ama na nakilala bilang si Jeric Aqyuino Treste na nakaupo sa sahig ng ospital habang matiyagang binibilang ang mga naipon niyang barya para sa operasyon ng kaniyang anak na si Zhianna Ezra Trestre o mas kilala bilang Baby Esang.




Sa post ni Jenny, hinikayat niya naman ang mga netizens na sana ay i-share ang kaniyang post upang marami pang makakita nito na nais magbigay tulong sa mag-ama para sa liver transplant ni Baby Esang dahil ito ay may sakit sa [email protected]

Ayon kay Jenny, hindi din sapat ang kinikita ni Jeric para sa operasyon ng kaniyang anak kaya naman nanawagan din siya sa mga netizens na sana ay mabigyan ng kaunting tulong ang mag ama.




Dalawang linggo na simula nang namalagi ang kanilang pamilya sa ospital dahil na din sa pagkakaroon ni Baby Esang ng flu. Gumawa din sila Jeric ng isang Facebook page para kay Baby Esang upang doon nila i-dokumento ang mga kaganapan sa kaniyang paggaling sa sakit.

Sinabi niya sa naturang page na si Baby Esang ang dumaranas ng matinding ubo. Sa kabila noon, masaya pa din silang pamilya dahil sa wakas ay narinig muli nila ang tawa ni Baby Esang.




Ayon sa mga medical staff na naka-duty nang gabing iyon sa ospital, ang ilan sa mga barya na binibilang ni Tatay Jeric ay sentimo lamang.

Patunay ang larwan na ito na lahat ng mga magulang ay gagawin talaga ang lahat ng kanilang makakaya para lamang sa kanilang mga anak.




Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *