Connect with us

Viral

Lalaki, arestado ng mga pulis dahil sa pagnanakaw ng halaman

Published

on

Ngayong may pand3mya, isa sa mga kinahuhumalingan gawin ng karamihan ay ang pagtatanim. Ito daw kasi ay pampaalis ng pagkabot sa community quarantine na ilang buwan na ding umiiral sa bansa dahil sa C0VID-19 pand3mic.

Dahil dito, naimbento na din ang mga salita na gaya ng plantita at plantito na ang ibig sabihin ay ang mga taong mahilig sa pagtatanim o pag-aalaga ng mga halaman.

Sa pagiging in-demand nga nito ngayon, maging ang mga kawatan ay pinag-iinteresan na din ito. Bukod sa plantito at plantita, naimbento na din ang mga salitang “Plantnapper” o ang ibig sabihin naman ay ang mga tao nagnanakaw ng halaman.




Sa isang Facebook post, ibinahagi ng Facebook user na si Pio Asingan ang larawan ng isang lalaki na naaresto ng mga pulis sa Asingan, Pangasinan dahil umano sa pagnanakaw nito ng halaman.

Ayon sa suspek na si alyas Belly Crawford, 20-anyos, nagawa lamang daw niyang nakawin ang halaman para ibigay ito sa tita ng kaniyang girlfriend.

Ang nasabing post ay kaagad na naging viral sa social media at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa ating mga netizens. Marami naman sa ating mga netizens ang nagulat at nadismaya dahil maging ang mga halaman ngayon ay pinupuntirya na ng mga kawatan. Samantala, may ilan namang netizens na tila kilala ang lalaki at sinabi na hindi lamang ito ang unang beses na nagnakaw ang nasabing lalaki.




Narito ang ilan sa kanilang komento:

“talagang magnanakaw po yan pati yung mga pato ng kapitbahay namin kuha nya”

“pati halaman ninanakaw na yong halaman namin ipapahingi ko na lahat ”

“Mabuti nga sayo nahuli ka ayaw mo kasi maghanapbuhay ng maayos”

“Hays so sad, sakit na talaga niya yan dame na niyang issue about matudnila kaloka nakakahiya😅”

“Mag ingat sa mga halaman baka nakawin”

Umabot na sa mahigit na 1,000 reactions at 1,400 shares ang nasabing post ilang oras bago ito ipinost sa Facebook.




Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *