Connect with us

Showbiz

Kilalanin ang mga celebrity na mayroong malubhang sakit

Published

on

Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na mayroong mga celebrity ang nakaranas ng malubha at kakaibang sakit. Narito ang listahan ng mga celebrities na nagkaroon ng malubhang sakit:

Abby Asistio

Si Abby Asistio ay isa sa mga celebrities na nagbahagi ng kanilang karamdaman. Siya ay na-diagnose sa sakit na alopecia. Ang alopecia ay isang autoimmune condition na “characterized by the loss of hair due to damaged hair ollicles. Dahil sa kaniyang karamdaman, madalas din nakakaranas ng pang-bubully noon si Abby. Ngunit sa halip na mawalan ng pag-asa, ginamit ni Abby ang kaniyang platform upang ipaalam at magbigay kaalaman sa publiko tungkol sa sakit na alopecia.

Alma Moreno

Taong 2001 nang na-diagnose si Alma Moreno sa sakit na Multiple Sclerosis, ito ay isang sakit na inilalarawan bilang pagkakaroon ng “patches of hardened tissue in the brain or the spinal cord because of loss of myelin.” Ang sakit din na ito ay maaaring magdulot ng “partial or complete paralysis.” Ang sakit na ito ay walang lunas. Nalaman lamang ng beterang actress ang tungkol sa sakit na ito nang siya ay nasa Boston upang magpa-check up.

Gerard Pizarras

Ang “Wildflower” star na si Gerrard Pizzaras ay na-diagnose na mayroong Bell’s Palsy. Ang Bell’s Palsy ay isang kondisyon kung saan namamanhid o humihina ang isang bahagi ng mukha ng tao. Ayon sa balita, si Gerard ay sumailalim din sa therapy nang ilang buwan at sinabi ng kaniyang doctor na babalik din sa dati ang maayos nitong kalagayan.

Rhed Bustamante

Sa murang edad pa lamang, ang child actress na si Rhed Bustamante ay na-diagnose sa sakit na Incontinentia Pigmenti, isang “rare genetic condition characterized by skin, eye, teeth, and central nervous system abnormalities.” Ang sakit na ito ay walang lunas at tanging nakabatay lamang ito sa mga sintomas ng indibidwal.

Angelu de Leon

Taong 2016, nang aminin ng dating T.G.I.S star na si Angelu de Leon na siya ay mayroong Bell’s Palsy, isang uri ng kundisyon kung saan napa-paralyze ang isang bahagi ng mukha ng tao.

KC Concepcion

Nitong Mayo lamang inamin ng actress na si KC Concepcion ang dahilan kung bakit hindi na siya masyadong lumalabas sa television. Sinabi niya na siya ay na-diagnose sa sakit na PCOS (Polycystic Ovarian Syndrome), isang “hormonal disorder common among women of reproductive age”.

Ai Ai Delas Alas

Tatlong taon na ang nakakalipas simula nang aminin ng komedyante at actress na si Ai Ai Delas Alas na 15 taong gulang pa lamang siya ay nakikipaglaban na siya sa sakit na Psoriasis. Ito ay isang skin disease na wala pang lunas para magamot ng tuluyan.

Paolo Bediones

Katulad ng actress na si Ai Ai Delas Alas, ang TV host na si Paolo Bediones ay na-diagnose din sa sakit na Psoriasis. Ang tungkol sa kaniyang skin condition ay inamin niya taong 2017. Ang Psoriasis ay isang sakit na maaaring ilarawan bilang “raised, red, scaly patches that appear on the skin. It typically affects the outside of the elbows, knees or scalp, though it can appear on any location.”

Kim Atienza

Ang It’s Showtime host na si Kim Atienza ay na-diagnose sa sakit na Guillain-Barre Syndrome noong 2007. Ang kundisyon na ito ay maaaring sanhi ng “heart and blood pressure problems and paralysis”. Ito ay isang karamdaman kung saan inaatake ng immune system ang healthy nerve cells sa peripheral nervous system sa katawan ng isang tao.

Michelle Madrigal

Taong 2018 nang aminin ng actress na si Michelle Madrigal na siya ay mayroong rare illness na kung tawagin ay Hashimoto’s disease. Ang Hashimotos ay isang “autoimmune disorder that can cause hypothyroidism, or underactive thyroid.” Pinaliwanag ni Michelle na ang kaniyang immune system ay gumagawa ng antibodies na umaatake sa kaniyang thyroid glands. Maliban sa sakit na ito, nagkaroon din si Michelle ng Goiter at wala pang lunas ang nadidiskubre sa sakit na ito.

Kris Aquino

Inamin ng sikat na host na si Kris Aquino na siya ay mayroong autoimmune disease na ang tawag ay Chronic Spontaneous Urticaria. Sinabi niya na habang siya ay nabubuhay ito ay magagamot ng high dosage na anti-histamine. Ang pagkakaroon din niya ng allergies ay life threatening din dahil sa anaphylactic shock.

Joey Paras

Nitong Hunyo lamang, gumawa ng ingay sa social media ang actor at komedyante na si Joey Paras matapos nitong manghingi ng tulong sa publiko dahil sa kaniyang kundisyon. Kailangan kasi niyang makalikom ng malaking halaga para sa kaniyang heart surgery o angioplasty. Si Joey ay na-diagnose sa sakit na severe heart condition at edema.

Donita Nose

Naging laman ng balita ang TV host at komedyante na si Donita Nose kamakailan lamang matapos nitong magpositibo sa sakit na C0VID-19. Ito ay nangyari ilang linggo matapos nitong mag-host sa GMA-7 show na “Tutok to Win” ni Willie Revillama.

Michael V. o mas kilala sa tawag na Bitoy

Noong July 20, inihayag ni Bitoy sa kaniyang YouTube channel na siya ay nagpositibo sa C0VID-19. Sinabi niya din sa kaniyang vlog na simula nang siya ay nakaranas ng sintomas noong July 11 ay nagpa-swab test na siya kaagad.

John Regala

Ang beteranong actor na si John Regala ay gumawa nang ingay sa social media kamakailan lamang matapos kumalat ang larawan niya na nanghihingi ng tulong na hanapin ang kaniyang nurse dahil siya ay nanghihina at nahihilo. Siya ay na-diagnose sa sakit na liver cirrhosis o ang di pag-function ng atay ng isang tao na sanhi ng long term damage at ito ay malala na.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *