Connect with us

Kilalanin ang anak ng actor na si Kier Legaspi sa actress na si Marjorie Barretto

Published

on

Si Marjorie Barretto o Marjorie Bernandine Barretto sa tunay na buhay ay isa sa mga kilalang personalidad sa Pilipinas. Siya ay ang pangalawa sa magkakapatid na tinaguriang “The Barretto Sisters” sa mundo ng showbiz.

Marami ng nakarelasyon si Marjorie na mga kilalang personalidad sa bansa. At ang una niya ngang naging kasintahan ay ang actor na si Kier Legaspi. Sa tagal ng kanilang pagsasama bilang magkasintahan, si Marjorie at Kier ay biniyayaan ng isang napakaganda at charming na anak na babae na si Aynrand Danielle o mas kilala sa pangalan na Dani.

Ngunit, katulad ng mga showbiz couples, naghiwalay din sina Marjorie at Kier matapos ang ilang taon na pagsasama. Samantala, naiwan naman si Dani sa pangangalaga ng kaniyang ina na si Marjorie.

Si Dani ay ipinanganak noong Oktubre 20, 1993 sa Pilipinas. Siya ay nag-aral ng high school sa The Seed Montesorri School at nakapagtapos ng kolehiyo sa College of Saint Benilde.

Si Dani ay isa ding fashion blogger. Ang kaniyang interes sa fashion ay nagsimula noong siya ay 14 o 15 taong gulang pa lamang. Ang kaniyang interes pagdating sa fashion ay suportado naman ng kaniyang ina na si Marjorie. Hindi man siya pumasok sa mundo ng showbiz para sundan ang yapak ng kaniyang mga magulang, nakagawa pa din si Dani ng sarili niyang pangalan sa social media.

Sa ngayon, si Dani ay isang fashion at lifestyle vlogger sa kaniyang sariling YouTube channel na mayroon na ngayong mahigit na 259,000 subscribers.

Bukod sa pagiging vlogger, si Dani ay mahilig din mag-travel sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at maging sa labas ng bansa. Ito ay makikita naman sa mga larawan na ibinabahagi niya sa kaniyang Instagram accounts.

Si Dani ay mayroong tatlong kapatid sa kanyang ina na sina Julia Barretto, Claudia Barretto, at Leon. Kahit pa man naiiba ang ama ni Dani kila Julia, Claudia, at Leon, nananatili pa ding masaya at totoong magkapatid ang mga ito sa isa’t isa.

Mayroon ding malalapit na kaibigan si Dani sa showbiz industry at ilan na nga dito ay sina Bela Padilla at Yassi Pressman na matalik niyang mga kaibigan.

Sa kasalukuyan, isa ng ganap na mommy si Dani sa kaniyang anak na babae na si Camilla Marguerite. Siya ay kinasal sa kaniyang nobyo na si Xavi Panlilio noong 2019. Matapos ang ilang buwan, ipinanganak na nga ni Dani ang kanilang unang anak na si Camilla Marguerite.

Sa kabila ng mga kontrobersiya na hinaharap ng pamilyang Barretto, nanatili namang matatag at stick together ang pamilya ni Dani Barretto.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *