Connect with us

Viral

Kilalang vlogger, may surpresang handog sa kaniyang Pinay na empleyado dahil sa sipag at determinasyon nito

Published

on

Ang pagiging isang Overseas Filipino Workers (OFWs) ay hindi madali. Tinitiis nila lahat ng hirap at sinasakripisyo ang lahat mabigyan lamang ng magandang buhay at kinabukasan ang pamilya na kanilang naiwan sa Pilipinas. Bukod pa diyan, may mga OFWs din na nakakaranas ng pang-aabuso mula sa kanilang mga employer. Gayunpaman, mayroon pa din naman na mga masusuwerteng OFWs na mayroong mga mabubuting employer na tinuturing na sila bilang parte ng kanilang pamilya.

Ang Supercar Blondie ay isa sa mga sikat na content creator sa YouTube at maging sa Facebook. Madalas tampok sa kaniyang mga video ay tungkol sa mga sasakyan. Madalas din ay namamahagi siya ng tulong sa mga nangangailangan.

Sa bagong video na in-upload niya sa kaniyang Facebook page, itinampok naman niya ang surpresa na kaniyang ihahandog para sa kaniyang empleyado.




Labis na humanga ang nasabing vlogger sa sipag at tiyaga ng kaniyang empleyado na si Avelina. Si Avelina ay isang Pinoy na nakipagsapalaran sa Dubai para mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang dalawang anak at matustusan din ang pag-aaral ng mga ito.

Dalawa at kalahating taon na din nagtatrabaho si Avelina sa nasabing vlogger at sa pamilya nito. Lubos silang nagpapasalamat kay Avelina dahil sa sipag at pagiging mabait nito na lagi lamang itong nakangiti sa kanila at ginagawa ng maayos ang kaniyang trabaho.

Dahil dito, naisipan ng vlogger na surpresahin ito upang ipakita din ang pasasalamat nila sa kaniya.

Sa nasabing video clip, makikita ang paghahanda na ginawa ng vlogger at ng kaniyang mga kasamahan sa supresa na handog nila kay Avelina. Sa unang bahagi ng video, makikita na inilagay ng vlogger ang malaking halaga ng pera na katumbas na ng pangpa-aral ng mga anak ni Avelina sa kolehiyo sa isang box.




Maya maya pa, nagkaroon ng interview ang kaniyang mga kasamahan tungkol kay Avelina. Lubos ang papuri at pasasalamat ng mga ito kay Avelina dahil sa kaniyang sipag at pagiging welcoming ng kaniyang aura.

Makalipas ang ilang sandali ay si Avelian naman ang sumalang sa panayam. Sa kalagitnaan ng kaniyang interview, biglang dumating ang vlogger na dala dala ang bulaklak at box na naglalaman ng malaking halagang pera na ibibigay niya kay Avelina.

Naiyak naman si Avelina sa tuwa dahil sa surpresang handog sa kaniya ng kaniyang employer. Maaari na niyang gamitin ang pera sa pag-aaral ng kaniyang mga anak o pagpapatayo ng bahay na maaaring rentahan.

Samantala, inulan naman ng papuri ang nasabing ang vlogger dahil sa kabutihan niya sa kaniyang empleyado.

Panoorin sa ibaba ang kabuuang video:




Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *