Connect with us

Showbiz

Kapamilya singer na si Janine Berdin, napahanga ang mga netizens sa kaniyang “new look”

Published

on

Kamakailan lamang, naging viral at usap-usapan sa social media ang mga larawan ng Kapamilya singer na si Janine Berdine kung saan makikita ang malaking pagbabago sa kaniyang itsura.

Sa larawan na ibinahagi ng Facebook page na Trending Viral na orihinal na kuha ng ML Salon and Spa, makikita ang bagong kulay ng buhok ng Tawag ng Tanghalan Season 2 Champion na purple ash hair.




Ang nasabing post ay kaagad na naging viral sa social media at umani ng libo-libong reaction at shares mula sa mga netizens. Hindi din maiwasan ng netizens na pag-usapan ang singer dahil sa kaniyang new look. Puro papuri at panghanga naman ang natanggap ni Janine sa kaniyang mga taga-suporta at maging sa maraming netizens.

Sa isang panayam sa ABS-CBN TV writer na si Darla Sauler, ibinahagi ni Janine na nais niya talagang magpa-short hair ngunit ang mga tao aniya sa paligid niya ay hindi siya sinasag-ayunan.

Pagbabahagi ng singer,

“Pero gusto ko ng drastic change, kaya sinuggest nila itong kulay. So ayan, happy ako, thank you.”




Sinabi din ni Janine na siya ay labis na natutuwa at nagagalak sa pagmamahal at suporta na ibinibigay sa kaniya ng mga netizens sa kaniyang new look.

“I’m very flattered kasi ang gaganda ng compliments. Thank you guys. I really appreciate it.”

Dagdag pa ng 18-taong-gulang na singer na ang ibig sabihin lamang ng kaniyang big transformation ay ang hindi siya takot sa pagbabago.

Aniya,

“Parang naging blooming po ako kasi hindi po ako natakot of change. I think that’s what everyone should keep in mind na you shouldn’t be afraid of change.

“If there’s something you don’t like about yourself and if you’re not happy about it, then you can do something to make yourself happy.”

Binalikan naman ng singer kung gaano kababa ang self-esteem at confidence noon. Ngunit, aniya, ngayon ay mas masaya na siya sa kaniyang sarili matapos mapagdesisyunan na baguhin ito.




Saad ng singer,

“Kasi kung hindi ka masaya sa sarili mo magre-reflect kasi nakikita ko din po sa mga posts ko dati, mga videos ko, parang nakikita ko din kung gaano ako ka-self-conscious.

“And now when I look all my photos and the videos, I think, ang saya ko, parang nakikita ko na ang saya ko na. Ang saya ko na sa sarili ko.”

Dagdag pa niya,

“Let’s not be afraid of change, and let’s not condemn change. Kung may gusto mag-change, ipa-change mo sila. Bahala sila basta masaya sila.”




Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *