Connect with us

Viral

Ito na pala ngayon ang kontrobersiyal na anak ni Willie Revillame?! Kilalanin natin siya!

Published

on

Si Willie Revillame ay isa sa mga kilalang TV host at actor sa Pilipinas. Bukod sa pagiging actor, kilala din siya bilang matinik sa kababaihan dahil na din sa kaniyang charisma at charm. Madali lamang niyang nakukuha ang puso ng mga babae kahit pa man wala siyang ginagawa.

Kaya naman hindi na din nakakapagtaka kung kumalat man ang balita na siya ay may iba pang anak bukod sa beteranang actress na si Meryll Soriano.




At kamakailan lamang nga ay napukaw ng isa pang anak ni Willie ang atensyon ng maraming netizens. Siya ay walang iba kundi si Marimonte Shanelle Viduya-Revillame o mas kilala sa tawag na Monty. Siya ang anak ni Willie sa dating kasintahan nito na si Sharon Viduya.

Una ng ipinakilala ni Willie ang kaniyang anak na si Monty taong 2007 sa live broadcast ng kaniyang dating show sa ABS-CBN na “Wowowee”. Tatlong taong gulang pa lamang noon si Monty nang siya ay ipakilala ng TV host sa publiko.




Nang mga panahon na iyon, nagulat naman ang mga manonood at hindi din sila makapaniwala sa ibinunyag ng Willie sa nasabing programa.

Ngunit, base sa social media accounts ni Monty, makikita na isa na siya ngayong ganap na dalaga. Hindi din naman maipagkakaila na talaga nga namang napakaganda at charming niya.




Dahil dito, marami tuloy sa ating mga netizens ang nagtatanong kung susundan ba ni Monty ang yapak ng kaniyang ama at kapatid na si Meryll sa showbiz dahil tiyak na may kalalagyan siya sa entertainment industry dahil sa taglay niyang kagandahan.

Sa mga larawan na ibinabahagi niya sa kaniyang social media, makikita din kung gaano siya ka-close sa kapatid niyang si Meryll. Madalas pa nga silang nagbo-bonding kasama ang kanilang ama na si Willie. Ito ay patunay lamang din na walang agawan na nangyayari sa pagitan nila kahit pa man sila ay magkaiba ng ina.




Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *