Connect with us

Viral

Isang Kalabaw, hinintay muna ang nagpalaki sa kaniya ng 26 na taon bago siya pumanaw

Published

on

Tunay na nakakamangha ang malalim na ugnayan na nabubuo sa pagitan ng isang tao at hayop. Ang matandang lalaki na nakilala bilang si Liang Ping mula sa Yunlin County, Taiwan ay nagmamay0ari ng isang kalabaw na talaga nga namang tinuring na niya bilang parte ng kaniyang sariling pamilya at pinalaki at inalagaan nya ito sa loob ng 26 na taon.

Ang kalabaw na pinangalanan bilang si Niu Niu ay kasama na ni Ping halos araw araw na nagtatrabaho sa bukid. Dahil na din dito, nakabuo sila ng malalim na ugnayan sa isa’t isa. Dahil si Ping ay 75-taong gulang na, tumatanda na din ang kaniyang alagang kalabaw na si Niu Niu at kailangan na nilang magpahinga pagdating sa gawain sa bukid.




Nilinis ni Ping ang kalabaw matapos ang kanilang trabaho sa bukid sa kahuli-hulihang pagkakataon at nais ni Ping na dalhin si Niu Niu sa Old Cows House sa Tainan.

Dahil naiintindihan ni Niu Niu ang sitwasyon na siya ay mahihiwalay na sa kaniyang master, tumanggi si Niu Niu na sumakay sa truck at ayaw nitong gumalaw sa kaniyang pwesto. Kaya naman tinapik ni Ping ang mukha nito at sinabing “Hindi sa gusto kita”. Matapos marinig ang mga katagang iyon, sa wakas ay tumayo na si Niu Niu sa kaniyang pwesto at sumakay sa truck.

Nang makarating sa Old Cos House, tila tinatanggihan ni Niu Niu ang mga pagkain at inumin na ibinibigay sa kaniya dahil nga nami-miss niya si Ping. Matapos marinig ang balita, kaagad namang dumiretso si Ping sa lugar upang makita ang kaniyang kalabaw. Nang makita na ni Niu Niu si Ping, naging maayos ang kalagayan nito at muli na itong ginanahan kumain.




Si Niu Niu ay nanatili sa Old Cows House ng 6 na taon at taong 2016 ay ipinagdiwang niya ang kaniyang ika-32 na kaarawan. Ito ay katumbas na ng 100 taong gulang sa edad ng tao.

Isang araw, natagpuan ng tagapag-alaga si Niu Niu sa isang mahinang kondisyon at hindi nito nalulunok ang kaniyang pagkain. Mabilis na pinagbigay-alam ng tagabantay kay Ping ang tungkol dito at kaagad naman siyang nagdala ng pagkain para kay Niu Niu mula sa kaniyang bayan. Masayang kinain ni Niu Niu ang pagkain mula kay Ping pagdating niya. Nang gabing iyon, namatay si Niu Niu sa kanyang pagtulog dahil sa iba’t ibang sakit sa kaniyang organ at ang pagkain na inihanda ni Ping para dito ay naging huling kain na niya.

Saad ni Ping kay Niu Niu sa kahuli-hulihang pagkakataon,

“You’ve worked hard all your life. Find a good and rich family to reincarnate and have a good life!”

Masasabi na hinihintay lamang talaga ng kalabaw ang nagmamay-ari sa kaniya bago pa man siya mamaalam sa mundo.




Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *