Connect with us

Isang estudyante na nakatira sa barong barong nakapagtapos at isa na ngayong lisensiyadong engineer

Published

on

Naging viral ang isang post sa social media matapos makita ang litrato na nagsasaad na isa siyang fresh graduate sa kursong kinuha na Engineering, ang nakakatuwa pa dito ay isa siyang licensure exam passer. Ngunit, mas naantig ang mga tao sa background nitong pinagtagpi tagpi na kahoy na siyang nagsilbi nilang munting tahanan.

 

Hindi ito kinahiya ni Crysatalle Mae Manalo kahit nag aalala ang kanyang lola na si Gloria Mamaradio Manalo sa mga maaaring pagkukutsiya na matatanggap. Taas noo nito pinost sa facebook ang tamis ng kanyang tagumpay kahit man tagpi pagpi lamang ang kanilang tahanan.

 

Nagtapos si Crystalle Mae Manalo sa kursong Bachelor of Science, major in Mechanical Engineering mula sa Colegio de San Juan de Letran – Calamba as Academic Excellence Awardee.

 

Sobrang proud na proud nga naman ang kanyang lola Gloria sa natamong tagumpay ng kanyang apo, at sa facebook account, siya ay nagbigay komento patungkol dito. Hindi lamang ang kanyang lola ngunit pati narin ang kaniyang mga kamag anak.

 

Ayon sa isang interview kay Engr. Crystalle Mae Manalo, Hindi raw niya inaasahan na magiging viral ang pinost nitong larawan sa social media. Proud niyang iminungkahi na totoo yung nasa picture at yun nga ang kanilang tinitirhan ng lola niya. Marami din sa kanyang mga kaklase ang nagpapasalamat sakanya dahil dun sa puting lamesa na nasa picture ay doon niya tinuruan ang mga kaklase na hirap sa kanilang projects at assignments at iyong mga kaklase niyang nahihirapan sa subjects nila. Doon rin nila ginawa ang kanilang thesis.

 

Isang iskolar si Crystalle Mae magmula first year to third year college. Naging Dean’s Lister siya kaya naman discounted ang kanyang tuition fee. Ayon sa kanya, nairaos naman raw ang ibang gastusin sa paaralan dahil sa utang. Siya na raw ang nagbabayad ng ibang bayarin sa school nila at di na pinapa-shoulder sa sakanila.

 

Broken family itong si Crystalle at di ito naging dahilan upang siya ay magrebelde, bagkus, mas natutong tumayo sa sariling paa at nangarap. She was raised bu her single mom na hindi siya kayang pag aralin.  Nagbebenta rin siya sa school nila, nasanay na ito dahil mula nung bata palang ay sanay na siyang magbenta. Ang iba naman ay ang lola na niya ang umako sa ibang responsibilidad.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *