Connect with us

Showbiz

Ganito pala kayaman ang Kapamilya actress na si Angel Locsin

Published

on

Si Angel Locsin o Angelica Locsin Colmenares ay isa sa mga kilala at hinahangaan ngayong personalidad sa Pilipinas. Siya ay ipinanganak noong Abril 23, 1985 sa Santa Maria, Bulacan. Ang kaniyang ama ay si Angelo Colmenares at ang kaniyang ina naman ay si Emma Locsin. Siya ay mayroong dalawang kapatid na sina Ella at Angelo.

Ang kaniyang mga magulang ay nagkahiwalay noong siya ay bata pa at siya ay nanirahan na kasama ang kaniyang ama na si Angel noong siya ay 14-taong-gulang. Siya ay nakapagtapos ng elementary sa St. James College sa Quezon City at nakapagtapos din siya ng high school sa University of Sto. Tomas High School sa Manila. Noong Agosto 2007, siya ay kumuha ng maiksing kurso sa fashion design sa Central Saint Martins College of Art and Design sa London. Sa kabila ng pagiging Kristiyano, si Angel ay parte din ng Muslim Royal Family sa Marawi City sa probinsya ng Lanao del Sur dahil sa kaniyang ina.




Sa mga panayam, ibinahagi pa ni Angel ang nakakatuwa niyang karanasan nang siya ay madiskubre. Ayon kay Angel, nag-grocery umano siya sa isang shopping center kasama ang kaniyang mga kaibigan nang mapansin niyang mayroong nakatingin na isang lalaki sa kaniya. Matapos nito, tumakbo daw si Angel ngunit dahil na din sa mga plastic bags na dala ay nahirapan si Angel sa pagtakbo at di kalaunan ay nahabol din siya ng nasabing lalaki. Doon lamang niya nalaman na isa palang talent scout ang humahabol sa kaniya at nais lamang nitong mag-offer sa kaniya na pumasok sa showbiz industry.

Matapos noon, nagsimula nang mag-audition si Angel sa ilang mga commercial at siya ay dapat na magiging parte din ng Star Circle Batch 9 ng ABS-CBN ngunit hindi siya nakapirma ng kontrata dahil sa hindi pag sang-ayon ng kaniyang ama dito.

Kalaunan ay naging contract star siya ng GMA Artist Center. Una siyang lumabas sa second season ng teen-oriented series na Click sa naturang network at kasama din siya sa mga cast ng “Ang Iibigin Ay Ikaw.”




Dahil sa nakitaan ng galing sa pag-arte, nagsunod sunod na nga ang mga inaalok na proyekto kay Angel. Ilan lamang sa mga hit na proyekto ni Angel ay ang “Mulawin”, “Darna”, at “Majika” sa GMA network.

Noong Agosto 2007, lumipat si Angel ng ABS-CBN network. Ilan lamang sa mga hit na proyekto na nagawa niya sa Kapamilya network ay ang “Lobo”, “Imortal”, “The Legal Wife”, “Laluna Sangre”, at “Temptation of An Angel”. Siya ay nagkaroon din ng mga pelikula katulad ng “In The Name of Love”, “One More Try”, at marami pang iba.

Bukod sa galing sa pag-arte at taglay na kagandahan ni Angel, siya ay kilala din bilang mapagbigay at pagiging handa sa pagtulong sa kaniyang kapwa na nangangailangan. Sa katunayan nga nyan, siya ay pinangaralan bilang isa sa mga Forbe’s Asia “Heroes of Philanthropy”.

Dahil sa pagiging magaling na actress at may pusong matulungin kaya mas lalo siyang pinagpala ng Maykapal, ayon sa isang website na philnews.ph, ang estimated net worth ni Angel Locsin ay nasa 3-5 million US Dollars.

Sa dami din ng proyekto at endorsements na natatanggap ni Angel, nakabili si Angel ng isang malaking bahay para sa kaniyang pamilya, mga mamamahaling sasakyan, at isang resort sa Zambales para sa kaniyang ama.




Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *