Connect with us

Viral

Dating OFW, binigyan ng bahay ng kaniyang amo bilang regalo sa kaarawan nito

Published

on

Si Basel Manadil o mas kilala sa tawag na “The Hungry Syrian Wanderer” ay isa sa mga sikat YouTube content creator sa bansa na kilala din sa pagiging mabait at matulungin nito sa kapwang nangangailangan. Si Basel ay naninirahan na sa Pilipinas sa mahigit na limang tao. Ngunit, kahit pa man siya ay isang Syrian, siya ay mayroon pa ding pusong Pinoy at ginagawa ang lahat ng makakaya para tulungan ang mga Pinoy na lubos na nangangailangan.

Sa isa sa mga video sa kaniyang YouTube channel, ibinahag naman niya ang preparations na kaniyang ginawa para sa birthday surprise na ihahandog niya sa dating Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait.




Ang nasabing OFW ay nagtatrabaho na sa kaniyang milk tea shop na kung saan sinabi ni Basel na kasalukuyan itong inire-renovate para mabuksan ito bilang isang resto bar.

Ang empleyado na nakilala bilang si Angel ay walang kaalam alam sa preparasyon na ginagawa ni Basel at mga kapwa niya empleyado na kinuntsaba pa ni Basel.

Sa nasabing video, makikita na bumili si Basel ng cake. Sinabi din ni Basel na maraming mga Pilipino ang pinipiling umalis ng bansa para magtrabaho abroad.

Dagdag pa niya, mayroon din siyang handog na regalo kay Angel na nangtatrabaho na sa kaniya sa loob ng anim na buwan nang sa gayon ay hindi na ito bumalik sa Kuwait para magtrabaho.

Ani Basel,

“Dito na lang tayo sa Manila.”




Bilang parte ng surpresa, kinausap niya ang isa pang empleyado para sunduin si Angel. Ipinakita naman niya kay Angel ang isang apartment at tinanong niya din ito ng ilang mga katanungan.

Doon nalaman niya na nagtrabaho si Angel sa Kuwait ng dalawang taon. Bumalik lamang ito ng bansa dahil nais niyang makasama ang pamilya at mas gusto niyang manatili dito.

Matapos nito, ibinigay naman ni Basel kay Angel ang susi ng apartment. Akala pa nga ni Angel noong una na ang ginawa ni Basel ay prank o binibiro lamang siya nito.

Ibinunyag naman ni Basel na binayaran na niya ng one year advance ang bahay at ipinaliwanag niya kay Angel na hindi na nito kailangan pang mag-renta dahil ang bahay ay sa kaniya na.

Sinabi din niya na siya ay walang sariling bahay at mas pinili niyang ibinili ng bahay si Angel.

Ani Basel,

“It’s a rewarding for Angel, for doing a lot for YOLO.”

YOLO an pangalan ng milk tea shop na pagmamay-ari ni Basel.




Saad ni Basel sa kaniyang YouTube video,

“I believe that we all have a responsibility to give back. No one becomes successful without lots of hard work, support from others, and a little luck. Giving back creates a virtuous cycle that makes everyone more successful.”

 




Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *