Connect with us

Viral

Babaeng birhen pa, bigla umanong nabuntis matapos maligo sa isang pampublikong swimming pool

Published

on

Ang v1rgin1ty ay isa sa mga pinaka-importanteng bagay na pinoprotektahan ng mga kababaihan hanggang sa dumating na ang tamang lalaki para sa kanila.

Gayunpaman, mayroon pa ding pangyayari kung saan maaaring mabuntis ang isang babae kahit pa man walang interc0urse na nagaganap at dahil na din sa tulong ng modernong teknolohiya.




Ang ganitong kaso ay madalang lamang mangyari ngunit ito ay nangyayari talaga sa tunay na buhay.

Ngunit, isang babae mula sa Zamboanga del Sur ang naging viral at usap-usapan ng mga netizens sa social media nitong nakaraan lamang dahil sa kaniyang kakaibang pagbubuntis.

Ayon sa ulat mula sa RMN DXPR Pagadian, ang babae na nagsasabi na siya ay v1rg1n pa ay nakapagdala ng bata sa kaniyang sinapupunan. Ang kaniyang pagbubuntis ay talaga nga namang kakaiba.




Ngunit, inamin ng 22-taong-gulang na hindi din niya maiwasan noon ang ma-stress at malungkot dahil sa kaniyang pagbubuntis dahil nga siya ay nabuntis nang walang kahit na anong intimate contact.

Ang babae ay nakilala lamang bilang si Joy. Sa isang panayam, inamin ni Joy na hindi siya nagkaroon ng monthly period sa loob ng ilang buwan. Dahil dito, napagpasyahan niya na magpa-konsulta na sa doctor.

Ngunit, laking gulat na lamang niya nang malaman niya na siya ay buntis pala. Sinabi naman ni Joy na siya ay mayroong kasintahan ngunit walang kahit na anong interc0urse ang nangyayari sa pagitan nila.

Dinala niya ang bata sa kaniyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan at siya ay nanganak na nga sa isang baby girl na pinangalanan niyang Sittie Hannah noong Hunyo 22.




Ang eksplanasyon naman kung bakit siya nabuntis ay dahil pumunta umano si Joy sa isang public swimming pool. Iniisip niya na baka nakuha niya ang sp3rm doon at kalaunan ay pumasok ito sa kaniya.

Ang programa ng GMA na “Kapuso Mo Jessica Soho” ay nagtampok na din ng parehas na kwento. Naging viral pa nga sa social media ang babae dahil sa kakaibang paraan sa kung paano siya nabuntis.

Gayunpaman, sinabi naman ng isang OB specialist na malabong mangyari ang kaniyang sinasabi dahil ang sp3rm ay hindi naman nabubuhay sa swimming pool dahil sa chlorine.




Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *