Connect with us

Story

Babae na nagpakasal sa lalaki na nakilala niya online, Nagulat sa kanyang nalaman tungkol sa lalaki

Published

on

Ang magkasintahan na ito ay nagkakilala sa pamamagitan ng social media. Sila ay nagkaroon ng relasyon sa loob ng 10 buwan hanggang sa mapasya silang magpakasal. Tutol man ang magulang ng babae sa desisyon nito ay mas nanaig pa din ang pagmamahal nito para sa lalaki. Nang sila ay magpakasal hindi niya akalain na ang simpleng tao pala na pinakasalan niya ay isang milyonaryong negosyante.

Tiyak madalas natin naririnig ang kasabihan na mahirap mamuha ng mag-isa. Kahit gaano pa ka-successful ang isang tao sa kaniyang karera o sa daan na kaniyang tinungo, kapag nag-iisa naman ito at walang partner sa buhay ay hindi talaga niya makakamit ang tunay na kasiyahan sa mundo.

Iyan marahil ang naramdaman ng isang magandang babae mula sa Vietnam na si Nguen Van Ahn. Sa kaniyang ganda, hindi nakakapagtaka na marami talagang nanliligaw sa dalaga, ngunit, hindi siya nagpapakita ng kahit na anong interes sa mga ito. Palagi niyang tinatanggihan ang mga ito sa tuwing nais nilang manligaw sa kaniya.

Si Ahn ay nakapagtapos sa prestihiyosong paaralan sa Vietnman na Hanoi University of Science and Technology noong 2015. Siya ay mayroon na ding stable na trabaho na malaki ang sweldo. Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng successful career, naramdaman ni Ahn na tila mayroong kulang sa kaniyang buhay.

Ngunit, isang araw noong Mayo 2016, tila naging makulay ang buhay pag-ibig ni Ahn nang dumaan sa kaniyang wall ang larawan ng kaniyang iniidolo na artista. Ngunit, ang mas nakapukaw sa atensyon ni Ahn ay ang lalaki na nakatayo sa tabi nito.

Matapos makita ang lalaki, naramdaman ni Ahn na mayroong tila special sa kaniya.

Si Ahn ang gumawa ng first move. Kaagad siyang nag-mensahe sa kaniyang iniidolong artista sa soial media at tinanong ang tungkol sa misteryosong lalaki na kasama niya sa larawan. Ang kaniyang idol naman ay mabilis na sumagot sa kaniyang mensahe at ipinakilala siya nito dito.

Ang lalaki ay si Duan Tuan. Nagpadala din siya ng mensahe sa dalaga matapos malaman ang kahilingan nito. Ang dalawa ay naging komportable at close sa isa’t isa kahit pa man ilang araw lamang silang nag-uusap online. Madami silang topic na pinag-uusapan at tila hindi ito nauubos. Nalaman ni Ahn na si Duan ay nagtatrabaho sa Russia. Ngunit, hindi ito naging hadlang para mahulog ang loob nila sa isa’t isa.

Nobyembre 2016 nang maging opisyal ang kanilang relasyon makalipas ang pagiging magkaibigan sa social media ng halos kalahating taon.

Makalipas ang sampung buwan ng kanilang long distance relationship, napagpasyahan ng dalawa na magkita na sa personal upang magpakasal.

Ngunit, tutol ang mga magulang ni Ahn sa desisyon ng kanilang anak. Bilang isang mga magulang, natatakot at nag-aalala sila na baka malagay sa alanganin ang kanilang anak o di kaya ay mapili nito ang maling lalaki.

Pinayuhan si Ahn sa kaniyang desisyon na huwag magpadalos dalos at kilalanin muna ng todo ang lalaki dahil ito ay nakilala lamang niya online.

Ngunit, mas nanaig ang pagmamahal ni Ahn sa lalaki. Nagdesisyon ang dalaga na pumunta sa Russia upang makita ang lalaki. At doon ay nagulat siya nang malaman ang totoong pagkatao ng kasintahan na nakilala niya online.

Ang lalaki ay isa palang milyonaryo. Si Duan din ang general manager ng kilalang fashion international brand. Sa kaniyang nalaman, muntik pa na hindi ituloy ni Ahn ang kasal nilang dalawa. Ngunit, pinaliwanag naman ni Duan na kaya niya hindi sinabi ang tunay na estado ng kaniyang buhay ay para malaman kung siya ba talaga ang mahal ni Ahn at hindi ang kaniyang kayamanan.

Matapos maayos ang kanilang relasyon. Sinabi ni Ahn na hindi sang-ayon ang kaniyang mga magulang sa kanilang desisyon na magpakasal na. Lingid sa kaalaman ng dalaga, lumipad si Duan patungong Vietnam sakay sakay ang kaniyang private plane upang makausap ng personal ang mga magulang ni Ahn at patunayan sa mga ito na tapat at malinis ang intensyon niya sa kanilang anak.

Nais din ni Duan na hingin ang basbas ng magulang ni Ahn para sa kanilang kasal.

Si Duan at Ahn ay nagpakasal noong Abril 9, 2017. Isa itong engrandeng kasal ang naganap sa five star hotel sa Hanoi, Vietnam. Sa araw ng kanilang kasal, lubos na nagulat at naiyak pa dahil sa kasiyahan si Ahn matapos makita ang mga magulang na dumalo sa kasal na mayroon pang malaki at matamis na ngiti sa mga labi.

Si Ahn at Duan ay masaya na ngayong namumuhay sa Russia. Sila ay biniyayaan ng dalawang anak.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *