Connect with us

Showbiz

Anak na lalaki ng actress na si Caridad Sanchez, pinabulaanan na ang kanilang ina ay mayroong dementia

Published

on

Pinabulaanan ni Alexander Joseph Babao, anak na lalaki ng beteranang actress na si Caridad Sanchez, ang naging pahayag ng kaniyang kapatid na si Cathy Babao na ang kanilang ina ay mayroong dementia.

Noong Linggo ng gabi, sinabi ni Mr. Babao sa ABS-CBN News na ang kanilang ina na si Caridad ay mayroon lamang “mild cognitive handicap that goes with aging.”




Inulit din niya sa kaniyang pahayag na ang multi-awarded actress, ang ang medical na kondisyon ay naiulat sa iba’t ibang social media sites nitong nakaraan lamang, ay nananatiling malusog sa ilalim ng kaniyang pangangalaga sa tinutuluyan nila sa Quezon City.

Noong Biyernes, sa isang panayam sa ABS-CBN News, nabanggit ni Cathy Babao ang mahabang proseso na pinagdaanan ng kaniyang ina na sinabi niya ay na-diagnosed ng dementia taong 2015.

Una na niyang ibinahagi sa publiko ang kalagayan ng kaniyang ina noong nakaraang buwan.




Saad ng counselor at grief educator,

“It’s a long goodbye. Over time, you slowly lose the person. You just prepare for it.”

Ayon sa kaniya, ang pinaka-importante sa lahat ay kung paano nila nalabanan ang stigma ng dementia. Sinabi din niya na dapat talakayin sa publiko ang nasabing sakit para na din magbigay ng awareness sa mga taong dumaranas din ng parehong sakit.

Ani Cathy,

“Why keep it a secret? Hindi naman nakakahiya (It’s not shameful) if we can help others with their journey. I know there are other families going through it but who don’t speak about it. Kaya nga dapat may (That’s why there should be) early detection, awareness and acceptance, so we can arm ourselves with the right information and access to right medicines and care. I believe my mom will be happy too knowing she was somehow able to help.”

Sa kabilang banda, sinabi naman ni Alexander na ang mga pahayag ng kaniyang kapatid na si Cathy ay nilabag umano ang privacy ng kaniyang ina. Kinwestiyon din ni Alexander ang tunay na motibo ng kaniyang kapatid.




Narito ang kabuuang pahayag ni Alexander sa ABS-CBN News:

“I Alexander Joseph S. Babao , son of Caridad Sanchez Babao, was shocked by the article published by my sister which was done without permission, violating the privacy, legacy and honor of my Mother. My Mom has a mild cognitive handicap that goes with aging. But it is unfair for her to be disrespected like this.

“Under my care, she remains very physically fit, a source of wisdom, strength and blessing to me whenever we have our late night mother and son conversations.

“I thank the public who still continue to show their support, love and respect for my mother.

“However I question the opportunistic timing of it’s publication by my sister.”




Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *