Silipin ang napakaganda at eleganteng bahay ni Jackie Chan

Ticker

6/recent/ticker-posts

Silipin ang napakaganda at eleganteng bahay ni Jackie Chan


Si Jacky Chan ay isa sa mga pinaka respetadong artista, hindi lamang sa Hongkong kundi sa buong mundo din. Naging tanyag siya sa kanyang natatangi at iba`t ibang paraan ng paggawa ng mga stunt sa mga action movies. 

Bukod sa pagiging pinakadakilang artista sa buong mundo, kilala rin siya bilang isang pilantropo. Palagi siyang nagbibigay ng tulong sa kanyang kapwa na nangangailangan sa paraan na kanyang makakaya.

Ngunit tulad ng ibang mga kilalang personalidad, madami ding kinaharap na pagsubok at mga hamon sa buhay si Chan bago niya naabot ang tagumpay.  



Si Chan ay nasa industriya na ng maraming taong ngayon at pinatunayan niya sa lahat na ang pagiging masipag, matiyaga, mapag-pasensya, at diskarte ang ilan sa mga susi sa tagumpay. Maraming beses na siyang nahulog ngunit hindi ito hadlang upang matupad ang kanyang mga pangarap.

Sa perang kinita niya sa career sa showbiz industry, naka ipon si Chan upang makabili ng maraming mga pag-aari. Isa lamang sa mga property na kaniyang nabili gamit ang pinaghirapang pera ay ang kanyang malaking bahay sa Beverly Hills sa may Sunset Boulevard. Bumili si Chan ng ari-arian noong 1998 na nagkakahalaga ng $ 12.25M o higit sa Php612,500,000.00. Ang bahay ay itinayo noong taong 1986.



Ang 30K sq.m na bahay ay talagang malaki at maluwang na ang sukat ng espasyo sa sala ay higit sa 7,600 sq.ft. Bago makapasok ang mga bisita sa mala-mansyong bahay na ito ay dadaan muna sila sa double steel gates na papunta naman sa isang huge motor court.

Ang bahay ay mayroong eleganteng dining room at napakagandang sala. Ang kusina ay may isang malaking countertop. Ang buong bahay ay puno ng mga pinto, puting pader, mga kabinet, at kisame na nagdaragdag sa kagandahan ng lugar. Mayroon ding built-in caban sa labas ng bahay kung saan karaniwang kumakain ng hapunan ang pamilya.



Mayroon ding gym sa bahay na kumpleto sa gym equipments. Mayroong spa sa tabi ng malaking swimming pool na may disenyo ng waterfall.