Matteo Guidicelli, May Ibinunyag Tungkol Sa Pag-ugali Ni Sarah Geronimo Na Ikinagulat Ng Publiko

Ticker

6/recent/ticker-posts

Matteo Guidicelli, May Ibinunyag Tungkol Sa Pag-ugali Ni Sarah Geronimo Na Ikinagulat Ng Publiko


Gaya ng mga celebrity couple at ng mga ordinaryong mag-asawa, sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ay may pinagdadaanan ding mga problema. Sa isang panayam, ibinunyag ang 30-anyos na aktor ang ilang mga pagsubok na kanilang kinaharap bilang mag-asawa. Gayunpaman, sa pagtatapos ng araw, ang mahalaga naman ay kung paano nila naayos ang kanilang problema.

Sa kaniyang panayam, inamin ni Matteo na may pagkakataon na sila ay mayroong hindi pagkaka unawaan. Gayunpaman, hindi na nabanggit pa ng aktor ang dahilan ng kanilang away. Sa halip, sinabi ni Matteo na ang hindi pagkaka unawaan na ito ay nagpatibay pa sa kanilang buhay mag-asawa dahil sila ay natuto mula dito.

Pagbabahagi ni Matteo,

"Sobrang thankful na nakahanap ako ng asawa katulad ni Sarah, I’m very grateful."

Sa pagdaan ng mga araw, ang mag-asawa ay patuloy na natututo at naggo-grow mula sa kanilang mga karanasan. Ayon kay Matteo, napaka-supportive na asawa sa kaniya ni Sarah at grabe ang pag-aalaga na binibigay nito sa kaniya.

Naibahagi din ni Matteo ang pagkapanganak ng kaniyang kapatid na si Giorgiano kay baby Gianna. Masaya silang dalawa ni Sarah dahil sa bagong miyembro na dadagdag sa kanilang pamilya. Ngunit, dito din nagsimula ang tanong kung handa na ba ngayon ang dalawa na magkaroon ng kanilang anak.

Sa isang panayam, sinabi ni Matteo na ang pagkakaroon ng anak ay parte ng kanilang plano sa hinaharap. Ngunit sa ngayon ay nais muna nilang i-enjoy ang oras bilang mag-asawa.

Ayon pa kay Matteo, hindi naman sila nagmamadali ni Sarah at naniniwala sila na ito ay mangyayari in God's right timing.

Saad ni Matteo,

"I can’t wait for our own in the future, we’ll see. We are not rushing, in God’s will, God’s time, it will happen."