Marian Rivera, Nagsalita Na Tungkol Sa Isyu Nina Dingdong Dantes At Lindsay De Vera!

Ticker

6/recent/ticker-posts

Marian Rivera, Nagsalita Na Tungkol Sa Isyu Nina Dingdong Dantes At Lindsay De Vera!


Viral at usap-usapan ngayon sa iba't ibang social media platforms di umano'y may nabuntis na new comer showbiz personality ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Ito ay nagsimula matapos maglabas ang isang entertainment website ng blind item kung saan sinasabi na na nabuntis umano ng isang aktor ang isang tinutukoy na kontrobersiyal personality.

Matapos kumalat ang naturang blind item, iba't ibang komento naman ang natanggap nito mula sa mga netizens online. Marami ang nagsasabi na ang aktor na si Dingdong umano ang tinutukoy dito. Samantala, ang tinutukoy naman na controversial personality ay si Lindsay De Vera.

Si Lindsay De Vera Johnston o mas kilala sa kaniyang screen name na Lindsay De Vera ay isang Filipina aktres at commercial model. Siya ay 24-year-old lamang. Si Dingdong at Lindsay ay minsan na ding nagkatrabaho sa palabas na 'Alyas Robinhood' ng GMA-7.

Mas lalo pang nag iinit ang mga spekulasyon ng mga netizens dahil matagal tagal na ding wala sa showbiz industry ang naturang young actress. Nang minsan ding tanungin ang isa sa mga malapit na kaibigan ni Lindsay ay hindi din ito nakasagot dahil maging ito ay nagtataka din kung bakit biglang nawala ang aktres.

Dahil sa nasabing isyu, naungkat muli ang nangyari sa pagitan nina Dingdong at aktres na si Karylle. Matatandaan na nagkaroon ng relasyon ang dalawa noon. Ngunit dahil umano kay Marian Rivera ay naghiwalay ang dalawa.

Komento ng isang netizen,

"Dingdong Dantes is the living proof of the saying, "When he cheats with you, he will cheat on you." Poor Marian."

Gayunpaman, ikinatuwa naman ng mga netizens ang bagong post ni Marian sa kaniyang social media account. Ayon sa marami, ito umano ang sagot ni Marian sa mga kumakalat na isyu patungkol sa kaniyang asawa. 

Ito ay isang larawan nila ni Dingdong na may caption na, "Happy Friday 😍".

Isang patunay na hindi apektado ang Kapuso Primetime Queen sa mga pinagsasabi ng mga netizens kaugnay sa Dingdong-Lindsay isyu.