Kilalang Singer, Nawalan Ng Pandinig Sa Kanang Tainga Matapos Ang Pakikipaglaban Sa Bacterial Meningitis

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kilalang Singer, Nawalan Ng Pandinig Sa Kanang Tainga Matapos Ang Pakikipaglaban Sa Bacterial Meningitis


Ibinunyag ng kilala at batikang singer na si Lani Misalucha na nawala ang kaniyang pandinig sa kaniyang kanan na tainga matapos ang pakikipaglaban sa sakit na bacterial meningitis, isang impeksyon sa membranes na pumapalibot sa utak at spinal cord.

Ito ay emosyonal na inanunsyo ng Asia's Nightingale sa Christmas special ng GMA talent show na "The Clash" kung saan siya ay naging isa sa mga judge. Noong Disyembre 25, Biyernes, pinaliwanag ni Lani na ang kaniyang pagkawala sa nasabing show ng ilang linggo ay hindi dahil sa C0VID-19 kundi dahil sa isang mas malalang sakit.

Ibinahagi ni Lani na unang isinugod sa ospital ang kaniyang asawa na si Noli noong Oktubre 9. Matapos makaramdam ng matinding pagsakit ng katawan at ulo, dinala na din si Lani sa ICU isang araw ang makalipas.

Aniya,

"Meron lang talaga kaming patuloy na nararamdaman which is 'yung dizziness, and pagkahina ng pandinig."

Sinabi ni Lani na siya ay parang nasa ilalim ng tubig, na ang laat ay 'high-pitched' at 'muffled'. Sa paglaon, siya at ang kaniyang asawa ay tuluyang nabingi sa kanilang kanang tainga.

Dagdag pa ni Lani,

"Meron po kaming vestibular dysfunction kaya po kailangan namin ng alalay lagi."

Ang Vestibular dysfunction ay sanhi ng ilang mga pinsala na humahantong sa mga sintomas katulad ng vertigo, pagsusuka, motion sickness, pagkahilo, hindi maayos na paglalakad, at problema sa pustura.

Sinabi ni Lani na ngayon ay nasa stage pa din siya ng pagtanggap sa maaaring mangyari sa kaniya, lalo na sa kaniyang karera dahil ang kaniyang pandinig ay importante para sa kaniya bilang singer.

Aniya,

"Sinabi ko sa sarili ko, 'Okay, singing may not be for me anymore. But sabi ko okay lang, kung ito yung binigay na challenge then I'll take the challenge."

Dagdag niya,

"Nagpapasalamat ako sa Panginoong Diyos dahil buhay ako, buhay kaming mag-asawa."