Sharon Cuneta, Ginulat Ang Lahat Sa Kaniyang Rebelasyon Tungkol Sa Anak Na Si KC Concepcion

Ticker

6/recent/ticker-posts

Sharon Cuneta, Ginulat Ang Lahat Sa Kaniyang Rebelasyon Tungkol Sa Anak Na Si KC Concepcion


Hindi mapigil ni Megastar Sharon Cuneta na depensahan ang kaniyang sarili mula sa mga komento na natanggap niya sa mga netizens sa kaniyang Instagram post.

Sa nasabing post kasi ay makikita ang larawan ng kaniyang ina na si Elaine Cuneta kasama siya at ang kaniyang mga anak na sina KC, Miel, Frankie.

Bahagi sa caption ng singer-actress,

"I miss you, Mommy ko...I love you."

Dagdag pa niya,

"So much of what is best in us is bound up in our love of family, that it remains the measure of our stability because it measures our sense of loyalty."

Sa comments section ng nasabing post, nagsimula namang kwestuyinin ng ilang mga netizens ang hidwaan na nangyari noon sa pagitan niya at ng kaniyang panganay na anak na si KC, na kamakailan lamang ay inihayag ang kaniyang pagka-out of place sa kaniyang pamilya na sina Sharon at ama na si Gabby Concepcion, lalo na ang mga ito ay mayroon ng kaniya-kaniyang pamilya.

Komento ng netizens,

"Hi ms sharon i think you must do something about your children.... specially to kc..."

"kc is out of place with you dhl laki sya s lola and with her siblings dhl kalahati lang ang pgiging magkakapatid nila... plus age gap... distance... time together dhl nasa paris sya before while yung dalawa magkasama s bahay at iisa ang nanay at tatay..."

"i think kc needs you... give her more time... lalo n at malaki ang nawala sa inyo nmn tlg na time together... i feel her... i know she is in pain... she badly needs you @reallysharoncuneta."

Sinagot naman ito ni Sharon at sinabi na hindi niya maintindihan ang pahayag na "laki sa lola" gayong sa katunayan ay malaki din ang ginampanan niya sa pag-aalaga kay KC.

"Actually hindi ko maintindihan yung meaning ng 'laki sa lola.' Malaki ang naitulong ni Mama sa pagpapalaki ko sa kaniya, pero kahit nagtatrabaho ako, napakarami ko din namang sinakripisyo maging health at tulog para sa kanya at para makasama siya. All her manners, etc.

"I used to date her at the most expensive and formal restaurants since she turned 6 or 7 para matuto. I taught her everything I knew then. I NEVER missed any school programs or activities kahit na nagpapaalam ako sa trabaho at umaga na umuuwi kaya siguro naman may value din yon kahit paano."


Dagdag pa niya,

"I am grateful to my Mommy for taking care of her while I busted my behind working to put food on our table and send her to the best schools. My Mom spoiled her to the point na pati pagdidisiplina at turo ko nakokontra na. Pero ganon ang lola kaya okay lang."