Kapitan ng Barangay, sinakἂl at hinagis sa pader ang isang lalaki dahil walang suot na face mask o face shield

Ticker

6/recent/ticker-posts

Kapitan ng Barangay, sinakἂl at hinagis sa pader ang isang lalaki dahil walang suot na face mask o face shield


Mahigpit na ipinapatupad ngayon sa bansa ang malawakang pagsusuot ng face mask o face shield upang proteksyunan, hindi lamang ang iyong sarili, kundi sa iba na din mula sa C0VID-19. Kaya naman ang hindi pagsusuot nito ay sinisita dahil ito ay isang paglabag. Gayunpaman, hindi pa din naman dapat itong maging dahilan para pisikal na manakit ng isang tao. 

Naging viral sa social media kamakailan lamang ang isang video kung saan makikita ang ginawa ng isang Kapitan sa barangay sa isang lalaki na nahuling hindi nakasuot ng face mask o face shield.

Sa halip kasi na simpleng pagsita lang ang gawin sa lalaki at pagsabihan lang ito tungkol sa pagsusuot ng face mask o face shield, inihampas o ibinalibag ni Kapitan ang lalaking ito sa pader sa kadahilanan na ito ay walang suot na face shield o face mask.

Sa isang video, makikita na tila walang kahirap-hirap na binuhat ng Kapitan ang lalaki sa leeg bago niya ito tuluyang ihampas ng buo sa pader. Sa lakas ng pagkakahampas ay nahulog sa sahig ang lalaki at namilipit sa sakit.

Bukod dito, maririnig din sa nasabing video na paulit ulit na sinasabi ni Kapitan na "Tarantado ka" habang tahimik lamang ang lalaki na kaniyang inihampas.

Naging viral kaagad sa social media ang nasabing video na kuha ang pananakit ni Kapitan sa simpleng dahilan lamang at ito ay umani ng mga galit na reaksyon mula sa online community.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Dapat ihampas din siya sa pader para malaman niya rin ang sakit. Simpleng kasalanan, kawawa ulo at likod! Wala siyang karapatan man4kit... Ako sa kaniya, binigyan niya ng face shield yan, 3 star pa makukuha mo at saludo."

"Grabe, porket walang face mask or face shield sasaktan ng ganyan? G*go kang kapitan ka! Dapat sayo, di ka naging kapitan. Kay sakit naman tingnan kaya dapat matanggap yan sa pag ka kapitan."

"Anong klaseng Kapitan yan. Dapat alisin sa pwesto ang mga ganyan. Ang yabang mo naman kapitan."

"Grabe ka! Kapitan ka pa lang. Wala kang karapatan manakit ng kapwa mo. Mag-isip isip muna kayo bago kayo gumawa ng aksyon at huwag niyong ilagay sa kamay nyo ang pagpaparusa. Face mask lang ang linabag, halos pat4yin niyo na kapwa niyo."

Panoorin ang video dito: Kapitan