Isang babae, naghisterya sa isang eroplano at iniligtas lahat ng pasahero mula sa plane crash na maaaring mangyari

Ticker

6/recent/ticker-posts

Isang babae, naghisterya sa isang eroplano at iniligtas lahat ng pasahero mula sa plane crash na maaaring mangyari


Tiyak na karamihan sa atin ay nakapanood na ng mga pelikula o palabas na nagtatampok sa isang tao na nakikita ang mangyayari sa hinaharap. Kahit pa man sinasabi ng iba na ang ganitong uri ng abilidad ay hindi maaaring mangyari sa tunay na buhay, ngunit may ilan sa atin ang talagang nakakakuha ng mga premonition o nakakakita ng mga pangyayari sa hinaharap na maaaring makapagpabago sa buhay o takbo ng mga pangyayari.

Katulad na lamang ng nangyari sa isang Jamaican woman na noon ay nasa Flight 620 sa Cayman Airways na pinapatakbo ng Boeing 737 na ang ruta ay mula sa Grand Cayman hanggang sa Kingston. Ang kaniyang karanasan ay maituturing ng marami bilang premonition habang ang ilang ay naniniwala na ito ay "divine intervention" lamang.

Ayon sa mga nakasaksi, ang gulo ay nangyari umano nang ang isang lalaki ay magdasal ng malakas sa loob ng nasabing eroplano. Dito ay nagsimula nang sumigaw ang babae ng sobrang lakas na kuha naman sa isang video na naibahagi sa social media.

Makikita sa video na ang babae ay tumatalon at sumisigaw ng "Hallelujah" at "Jesus" ng paulit ulit. Ilan sa mga Kristiyano na nakapanood ng viral video ay sinabi na nakita umano nito ang Banal na Espiritu na nagpapaliwanag kung bakit ganoon na lamang ito kumilos.

Sinubukan ng ilan sa mga flight attendants na pakalmahin ang babae na kung saan ay tinutulungan na din sila ng iba pang mga pasahero. Ang flight umano ay na-delay ng ilang oras at ang babae ay pwersahang inilabas mula sa eroplano dahil sa paghi-histerical nito.

Sa gulat, ang flight captain ay napansin na mayroong engine problem ang eroplano noong siya ay magte-take off na sana sa runway. Matapos makipag-usap sa ground crew, doon nakumpirma nila na mayroong usok at electric sparks na nagmumula sa isa sa mga engines ng eroplano.

Dahil dito, napagdesisyunan ng captain na i-land na ang eroplano. Sinabi niya na kung hindi dahil sa babae na gumawa ng komosyon sa eroplano dahil sa kaniyang kakaibang kilos, ang eroplano ay lilipad na mayroong problema sa engine. Salamat na din siya dahil nailigtas nila mula sa posibleng plane crash ang maraming pasahero.