Isang Ama, Kumakayod Pa Din Para Maitaguyod Ang Pamilya Sa Kabila Ng Kapansanan

Ticker

6/recent/ticker-posts

Isang Ama, Kumakayod Pa Din Para Maitaguyod Ang Pamilya Sa Kabila Ng Kapansanan


Naantig ang maraming netizen sa mga larawan na ibinahagi ng isang netizen tungkol sa isang ama na mayroong kapansanan na kasa-kasama ang kaniyang anak habang siya ay naghahanapbuhay.

Ito ang nakaka-antig at nakaka-inspire na kwento ni George mula sa Tiaong, Quezon. Sa kabila ng kaniyang kapansanan, nanatili siyang positibo at pagiging bukas sa pag-asa.

Halos lahat yata ng dagok ng tadhana ay naranasan na niya. Subalit, hindi ito naging hadlang sa kaniya para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kaniyang anak. Sa post mula sa "KAMI" page, itinakwil na umano si George at iniwan ng kaniyang ina noong bata pa lamang siya. Masuwerte na lamang din at siya ay nakita ng kaniyang Lolo at Lola. 

Sila ang siyang nag-alaga sa kaniya hanggang siya ay nag 8 taong gulang. Pinilit siya noong kuhanin ng kaniyang ama kung saan siya nakaranas ng pagmamalupit mula dito. Sa murang edad pa lamang din ay natuto na siyang magbanat ng buto.

Tutol man ang kaniyang ama sa kaniyang pag-aaral ay hindi ito naging hadlang para kay George para hindi niya ipagpatuloy ang pangarap at pagtupad sa kaniyang mga pangarap. Pinagsabay niya ang pagpasok sa paaralan at paghahanap buhay ngunit dito na din sumuko ang kaniyang katawan. Siya ay nagkaroon ng lagnat noon ngunit hindi niya inakala na sa simpleng lagnat ay hahantong pala ito sa pagkabaldado ng kaniyang mga paa.

Gayunpaman, pinagpatuloy pa din ni George ang kaniyang pag-aaral na kahit pa nga gumagapang na siya ay pumapasok pa din hanggang sa siya ay makapagtapos ng elementary. Ngunit, kasabay ng kaniyang graduation day ay ang pagpapalayas naman sa kaniya ng kaniyang ama.

Namasukan siya sa iba't ibang trabaho kasabay ang pag-aaral. May mga magagandang loob naman na hinangaan at kinabiliban ang kaniyang pagpupursige sa buhay at siya ay binigyan ng isang pampasadang tricycle.

Nakahanap din siya ng isang katuwang sa buhay na laging naka-suporta sa kaniyang mga ginagawa at desisyon. Ang kaniyang kapansanan ay hindi din naging hadlang para maitaguyod niya ang kaniyang pamilya.

Sa mga larawan, makikita si Manong George kasama ang kaniyang itinuturing na anak ng kaniyang asawa na nagtitinda ng iba't ibang klase ng gulay gamit ang kaniyang tricycle.

Narito ang nakakaantig puso na kwento ni tatay George:

"NAGSIMULA LANG PALA SA LAGNAT NA NAPABAYAAN ANG NAGING DAHILAN NG KAPANSANAN NI KUYA GEORGE..PERO MASIKAP SYA HINDI SYA NAGPABAYA AT GINAWA ANG LAHAT PARA SA MGA ANAK NYA.

Bata pa si George ay iniwan na sya ng ina nya sa isang bangka mabuti at nakita sya ng lola nya at inuwi sya, sila na nagpalaki kay George hanggang sa nag 7 o 8 yrs old sya naisipan ng tatay na kuhanin ayaw sana ng mga lolo at lola pero binigay pa din dahil mapilit ang ama nya.

Pagdating nya sa lugar ng ama nya may sarili na itong pamilya, me maliit na hanapbuhay pinagtrabaho sya ng ama nya sa murang edad at tutol syang magaral ito pero mapilit si George trabaho eskwela sya.

Hanggang sa dumating ang punto na di na kinaya ng katawan nya nagkalagnat sya pabalik balik mga isang taon hindi pinagamot dahil walang pera, hanggang sa hindi na nya maramdaman ang mga paa nya at ayun na nga nabaldado na sya ng tuluyan.

Isang araw naisip nya kelangan nya pumasok kahit pagapang tutol man ang kanyang ama tinuloy pa din nya naktapos sya ng elementarya at mismong sa araw ng pagtatapos pinalayas sya ng ama nya dahil nagtalo sila.

Kung saan saan sya nakitira namasukan nagtrabaho at nag aral ... me nakakita sa kanya na mga mabubuting loob biniyayaan sya ng panghanapbuhay natuwa sa sipag nya at yun na nga ang traysikel.

Hanggang sa nakilala nya ang asawa nya may anak na ito sawi din sa pagibig pero minahal nya si George hanggang sa nagsama na sila kasama ang mga anak nila.

Masikap si George kapag di sya namamasada ay nagkukumpuni ng relo at nagtitinda ng mani.

Hindi naging hadlang kay George ang kapansanan nya para mangarap at makabuo ng masaya at simpleng pamilya pati naman ang butihing asawa nya na buong buo ang suporta sa kanya."