Rob Moya, sinira ang mga make-up ni Toni Fowler

Ticker

6/recent/ticker-posts

Rob Moya, sinira ang mga make-up ni Toni Fowler



Para sa mga kababaihan, isa na siguro ang make-up sa mga importanteng bagay sa kanila. Ito din kasi ay nakakatulong para sila ay mas gumanda at tumaas ang kanilang self-confidence. Talagang pinag-iipunan at pinag gagastusan nila ito. Kaya naman ang makita ang kanilang make-up na masira o sinira ay napakasakit na para sa kanila dahil hindi din biro ang pera at oras na inilaan nila makaipon lamang ng mga make-up na nais nila.

  Naging viral sa social media kamakailan lamang ang partner ni Toni Fowler na si Rob Moya matapos nitong sirain ang ilang mga make-up ni Toni.

  Sa video na clip na in-upload sa Facebook page na "Mommy Toni Fowler", noong una ay sinabi ni Rob na ito na ang pagkakaton na makaganti siya kay Toni dahil sa ginawa ng huli sa kaniyang kotse. Makalipas ang ilang sandali ay kinuha niya sa lalagyanan ang ilang make-up ni Toni. Maya-maya lamang ay makikita na pinupukpok na ni Rob ang ilang mga make-up ni Toni gamit ang martilyo. Ilang sandali pa ang lumipas ay pumasok naman si Toni sa kanilang kwarto. Noong una ay hindi pa siya makapaniwala na mga make-up niya ang nasira. Ngunit, nang mapagtanto niya na iyon ay sa kaniya, naiyak na lamang si Toni dahil hindi din biro ang dami ng make-up na nasira ni Rob. Kaagad na naging viral sa social media ang nasabing video at umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens, lalo na sa mga kababaihan. Ayon sa ilan, kahit pa man daw biro ang ginawa ni Rob, hindi pa din naman daw tama na sirain nito ang mga make-up ni Toni dahil hindi din biro ang oras at pera na inilaan ng huli para mabili lamang ang kaniyang make-up.